Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Itlog

Ang Itlog

● Ang kayarian ng itlog ay sinasabing isang “himala.” Bakit kaya?

Pag-isipan ito: Bagaman mukhang solido, ang balat ng itlog ng manok, na mayaman sa calcium, ay may hanggang 8,000 pagkaliliit na butas. Kaya naman nakakapasok dito ang oxygen at nakakalabas ang carbon dioxide​—na mahalaga para makahinga ang embryo. Gayunman, pinoprotektahan ng balat at ng ilang lamad ang embryo laban sa mga baktirya. Ang albumen​—isang matubig na substansiya na parang gelatin​—ang nagsisilbing shock absorber ng itlog.

Gustong gayahin ng mga mananaliksik ang kayarian ng itlog para makagawa ng mga produktong mas mahusay mag-absorb ng shock at ng film coating na magsisilbing proteksiyon ng prutas laban sa baktirya at parasito. Pero “hindi madaling gayahin ang kalikasan,” ang isinulat ni Marianne Botta Diener sa magasing Vivai. Sinabi niya na ang mga produktong sinubukang gawin ay nakakasira sa kapaligiran.

Ano sa palagay mo? Ang “himala” bang ito​—ang kayarian ng itlog​—ay nagkataon lang? O may nagdisenyo nito?

[Dayagram sa pahina 28]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

LOOB NG ITLOG

Balat

Pula ng itlog

Chalaza (pinananatili sa gitna ang pula ng itlog)

Panlabas na lamad

Panloob na lamad

Germinal disc (pinakabinhi ng embryo)

Malabnaw na albumen

Malapot na albumen

Espasyo ng hangin