Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Salamat sa Malasakit Ninyo sa mga Tao”

“Salamat sa Malasakit Ninyo sa mga Tao”

“Salamat sa Malasakit Ninyo sa mga Tao”

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA RUSSIA

◼ Sa lunsod ng Chita sa Silangang Siberia, may isang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova na nagdaraos ng Kristiyanong pagpupulong sa isang silid-aralan noong wala pa silang Kingdom Hall. Dahil mabait at magalang ang mga Saksi, at pinananatili nilang malinis ang silid-aralan at kinukumpuni ito kung kailangan, sumulat ang mga opisyal ng paaralan para pasalamatan ang kongregasyon.

Sinasabi sa liham: “Salamat sa malasakit ninyo sa mga tao, na kitang-kita ng lahat ng nakakakilala sa inyo, gayundin sa inyong pangangaral at pagtulong sa mga tao. Hindi namin malilimutan ang mga natutuhan namin sa inyo sa loob ng maraming taóng nakasama namin kayo. Ipinakita ninyo na ang mga taong naniniwala sa Diyos ay disente, tapat, mabait, at higit sa lahat, may pananampalataya at layunin sa buhay.” Pinahahalagahan ng mga Saksi ni Jehova ang liham na ito.

◼ Sa St. Petersburg, mga 5,500 kilometro sa kanluran ng Chita, isang kinatawan ng sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia ang inimbitahang dumalo sa isang espesyal na programa na isinaayos ng administrasyon sa distritong iyon. Bakit? Kapag natutunaw na ang niyebe bawat taon, tumutulong ang mga Saksing tagaroon na alisin ang mga basurang nakakalat sa kahabaan ng 60-kilometrong lansangan na malapit sa sangay. Bilang pasasalamat sa ginagawang tulong ng mga Saksing ito sa komunidad, isang sertipiko ng pagpapahalaga ang iginawad ng isang opisyal sa kinatawan ng sangay. Sinundan ito ng masigabong palakpakan. Sa programang iyon, isang tagapagsalita ang nagkamali ng bigkas sa pangalan ng Diyos na Jehova. Kapansin-pansin, agad siyang itinuwid ng mga di-Saksing naroroon​—pamilyar kasi sila sa pangalan ng Diyos at sa mga Saksi ni Jehova.

Ganiyan sila kapamilyar dahil sa pangangaral at pagtuturo ng mga 150,000 Saksi ni Jehova sa Russia. Nais nilang patuloy na magpakita ng ‘malasakit sa mga tao’ sa pamamagitan ng pagpapaabot ng nakaaaliw na mensahe ng Bibliya sa lahat ng makikinig.​—Mateo 22:39.

[Larawan sa pahina 29]

Tumanggap ang sangay sa Russia ng isang sertipiko ng pagpapahalaga