Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 12

Mabait at May Empatiya

Mabait at May Empatiya

1 Tesalonica 2:7, 8

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Magsalita nang taimtim at may damdamin, at ipadama sa mga tagapakinig mo na nagmamalasakit ka.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Isipin ang mga tagapakinig mo. Ihanda ang iyong puso; isipin mo ang mga pinagdadaanan nila. Isipin kung ano ang nadarama nila.

  • Piliing mabuti ang mga salitang gagamitin mo. Sikaping gawin itong nakagiginhawa, nakapagpapatibay, at nakapagpapalakas. Iwasang gumamit ng pananalitang makakasakit sa kanila, at huwag magsalita nang negatibo tungkol sa mga di-Saksi o sa mga paniniwalang pinanghahawakan nila.

  • Ipakita mong nagmamalasakit ka. Sa pamamagitan ng mabait na tono ng boses at angkop na pagkumpas, ipadama sa mga tagapakinig mo na talagang nagmamalasakit ka. Maging palaisip sa ekspresyon ng iyong mukha; dalasan mo ang pagngiti.