GEORGIA
Hindi Maihinto ng Mister Ko ang Pagbabasa!
Marina Kopaliani
-
ISINILANG 1957
-
NABAUTISMUHAN 1990
-
Ang mag-asawang Marina at Badri ay masisigasig na mamamahayag habang nagpapalaki ng dalawang anak na lalaki. Nang maglaon, si Badri ay naglingkod sa Country Committee at nanatiling tapat hanggang sa kaniyang kamatayan noong 2010.
NOONG 1989, nakilala naming mag-asawa ang mga Saksi sa aming kapitbahay. Si Brother Givi Barnadze, na nagtuturo ng Bibliya sa aming kapitbahay, ay walang sariling Bibliya, dahil mahirap makakita nito sa wikang Georgiano nang panahong iyon.
Pinahalagahan namin ang aming narinig, at nais naming magkaroon ng Bibliya. Nang makita ng mister ko ang kaniyang kapatid sa laman, sinabi niyang naghahanap siya ng Bibliya. Laking gulat niya nang sabihin ng kapatid niya na kabibili lang nito ng isang bagong bersiyon ng Bibliya sa wikang Georgiano at matutuwa siyang iregalo ito sa kaniya.
Pag-uwi ni Badri, naupo siya at binasa ang Bibliya hanggang gabi. Kinabukasan, gumising siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Pag-uwi ko galing sa trabaho, nakaupo pa rin
siya at nagbabasa ng Kasulatan. Hindi niya maihinto ang pagbabasa! Kaya iminungkahi ko na magbakasyon siya ng ilang araw para matapos niya ang kaniyang pagbabasa. Di-nagtagal, nabasa na niya ang buong Bibliya.Nakipag-aral kami ng Bibliya kay Brother Barnadze gamit ang aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan. Tuwang-tuwa kami na mayroon kaming sariling Bibliya. Maganda naman ang naging resulta kahit wala kaming personal na kopya ng aklat na Katotohanan at ang aming guro ay walang Bibliya! Makalipas ang halos isang taon, kami ni Badri ay nabautismuhan.