Pangangaral at Pagtuturo sa Buong Lupa—Mga Kabuuang Bilang
Pangangaral at Pagtuturo sa Buong Lupa—Mga Kabuuang Bilang
TAUN-TAON, nababasa natin sa publikasyong ito ang tungkol sa mga pagsisikap na isinasagawa para tulungan ang mga tao na makilala at ibigin ang Diyos na Jehova. Walang katulad ang lawak ng gawaing ito. Walang organisasyon ang makapagbabayad sa milyun-milyong tao para ipahayag ang anumang mensahe sa pagkarami-raming tao sa buong daigdig. Pero sa pagtuturo ng Bibliya, hindi hinahangad ng mga Saksi ni Jehova ang pinansiyal na pakinabang. Sumusunod sila sa tagubiling ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad halos dalawang libong taon na ang nakalilipas: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (Mat. 10:8) Habang binubulay-bulay mo ang naisakatuparan sa nakaraang taon ng paglilingkod, tandaan na isinagawa ito ng mga taong nagsasakripisyo at kusang-loob na nagbibigay bilang tugon sa pag-ibig ng Diyos.
2008 Mga Kabuuang Bilang
Mga Sangay ng mga Saksi ni Jehova: 115
Bilang ng mga Lupaing Nag-uulat: 236
Kabuuang Bilang ng mga Kongregasyon: 103,267
Dumalo sa Memoryal sa Buong Daigdig: 17,790,631
Nakibahagi sa Memoryal sa Buong Daigdig: 9,986
Pinakamataas na Bilang ng Mamamahayag sa Paglilingkod sa Kaharian: 7,124,443
Aberids ng Mamamahayag na Nangangaral Bawat Buwan: 6,829,455
Porsiyento ng Kahigitan sa 2007: 2.1
Kabuuang Bilang ng Nabautismuhan: 289,678
Aberids ng Mamamahayag na Auxiliary Pioneer Bawat Buwan: 321,986
Aberids ng Mamamahayag na Payunir Bawat Buwan: 732,912
Kabuuang Oras na Ginugol sa Larangan: 1,488,658,249
Aberids ng Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya Bawat Buwan: 7,133,760
Noong 2008 taon ng paglilingkod, gumugol ang mga Saksi ni Jehova ng mahigit $141 milyon sa pagtustos sa mga special pioneer, misyonero, at mga naglalakbay na tagapangasiwa sa kanilang mga atas ng paglilingkod sa larangan.
◼ Sa buong daigdig, may kabuuang bilang na 19,820 ordenadong ministro ang nagtatrabaho sa mga pasilidad ng sangay. Ang lahat ay miyembro ng Worldwide Order of Special Full-Time Servants of Jehovah’s Witnesses.
[Chart sa pahina 32-39]
ULAT SA 2008 TAON NG PAGLILINGKOD NG MGA SAKSI NI JEHOVA SA BUONG DAIGDIG
(Tingnan ang publikasyon)
[Mga mapa sa pahina 40-42]
(Tingnan ang publikasyon)