Pumunta sa nilalaman

Kaliwa pakanan: Si Sister Lyubov Galitsyna at sina Brother Garegin Khachaturyan at Gevorg Yeritsyan

ABRIL 8, 2024 | UPDATED: HULYO 1, 2024
RUSSIA

UPDATE—NASENTENSIYAHANG MABILANGGO | Dama Namin ang Pangangalaga ni Jehova Habang Nasa Pretrial Detention

UPDATE—NASENTENSIYAHANG MABILANGGO | Dama Namin ang Pangangalaga ni Jehova Habang Nasa Pretrial Detention

Noong Hunyo 26, 2024, hinatulan ng Novocherkassk City Court of the Rostov Region si Sister Lyubov Galitsyna at sina Brother Garegin Khachaturyan at Gevorg Yeritsyan. Sinentensiyahan si Lyubov na mabilanggo nang dalawang taon at tatlong buwan. Pero dahil sa kaniyang pretrial detention, natapos na ang sentensiya niya. Hindi siya makukulong sa ngayon. Si Garegin naman ay nasentensiyahang mabilanggo nang anim na taon at anim na buwan, at si Gevorg ay nang anim na taon at dalawang buwan. Mananatili sila sa bilangguan.

Profile

Nagtitiwala tayo na kahit may mga umuusig sa tapat na mga lingkod ni Jehova, patuloy niya silang pagpapalain “sa ikabubuti” nila.—Genesis 50:20.

Time Line

  1. Agosto 11, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal sina Lyubov, Garegin, at Gevorg. Hinalughog ang mga bahay nila. Sina Garegin at Gevorg ay inilagay sa temporary detention center

  2. Agosto 12, 2022

    Inilipat sina Garegin at Gevorg sa pretrial detention center

  3. Agosto 16, 2022

    Inilagay si Lyubov sa isang temporary detention center

  4. Agosto 17, 2022

    Inilipat si Lyubov sa isang pretrial detention center

  5. Setyembre 20, 2023

    Nagsimula ang paglilitis

  6. Disyembre 25, 2023

    Pinalaya si Lyubov mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest

a b Habang inihahanda ang artikulong ito, sina Brother Khachaturyan at Yeritsyan ay nasa pretrial detention kaya hindi puwedeng makuha ang kanilang personal na mga komento.