AGOSTO 15, 2019
POLAND
Warsaw, Poland—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Agosto 9-11, 2019
Lokasyon: Municipal Stadium ng Legia Warsaw at Torwar Hall sa Warsaw, Poland
Wika ng Programa: English, Polish
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 32,069
Bilang ng Nabautismuhan: 190
Bilang ng mga Delegado Mula sa Ibang Bansa: 6,892
Mga Sangay na Imbitado: Central Europe, Chile, Ecuador, Finland, France, Georgia, Hungary, Japan, Korea, Moldova, Romania, Ukraine, United States
Karanasan: Isinulat ni Mr. Kamil Kaźmierkiewicz, general manager ng Four Points ng Sheraton Warsaw Mokotów (isa sa mga hotel na tinuluyan ng mga delegado): “Napakadali ninyong kausap—sana mas marami pa kaming maging kliyente na mabait at positibo gaya ninyo. Kitang-kita ko na nagmamahalan kayo at nagkakaisa. . . . Saludo ako sa napakahusay na pagkakaorganisa ng event na ito.”
Sinabi rin ni Mr. Kamil Lubański, may-ari ng KL Team, ang kompanya na nagpadala ng mga bus na ginamit sa kombensiyon: “Sa simula pa lang, nakita ko nang masarap na katrabaho ang mga Saksi ni Jehova. Nakikipagtulungan sila at professional. Napakagaling ng pagkakaorganisa sa malaking event na ito. May malalaki kaming kliyente, kasama na ang gobyerno, na gumawa rin ng mga event dito sa bansa at sa iba pang bansa sa Europa. Pero bihirang-bihira ang mga kliyenteng handang-handa at napakaorganisado gaya ninyo. Walang ibang masabi ang mga drayber at iba pa naming empleado tungkol sa inyong mga Saksi ni Jehova, puro magaganda lang. Sana makatrabaho ulit namin kayo.”
Sinasalubong sa airport ang mga delegado
Biyernes ng umaga, habang papasók sa venue ang mga dadalo ng kombensiyon
Ang Municipal Stadium ng Legia Warsaw, isa sa mga venue ng kombensiyon
Si Brother Gerrit Lösch ng Lupong Tagapamahala sa huling pahayag noong Biyernes
Tatlong binautismuhan noong Sabado
Nakikinig nang mabuti sa programa ang mga kapatid
Nakasuot ng tradisyonal na damit ang mga delegado habang nagpapalitrato sa labas ng stadium
Mga delegado na nasa pantanging buong-panahong paglilingkod habang kinakanta ang panghuling awit sa Linggo kasabay ng iba pang dumalo
Mga kabataang sister na kumakanta para sa mga delegado sa isang evening gathering
Sinasayaw ng mga kapatid ang isang tradisyonal na sayaw sa Poland sa isang evening gathering