Mateo 24:1-51
24 Paglisan ngayon, si Jesus ay yumaon na mula sa templo, ngunit lumapit ang kaniyang mga alagad upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo.+
2 Bilang tugon ay sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng mga bagay na ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa anumang paraan ay hindi maiiwan dito ang isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na hindi ibabagsak.”+
3 Samantalang nakaupo siya sa Bundok ng mga Olibo, ang mga alagad ay lumapit sa kaniya nang sarilinan, na nagsasabi: “Sabihin mo sa amin, Kailan mangyayari ang mga bagay na ito, at ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto+ at ng katapusan ng sistema ng mga bagay?”+
4 At bilang sagot ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Mag-ingat kayo na walang sinuman ang magligaw sa inyo;+
5 sapagkat marami ang darating salig sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako ang Kristo,’ at ililigaw ang marami.+
6 Makaririnig kayo ng mga digmaan at mga ulat ng mga digmaan; tiyakin ninyo na hindi kayo masindak. Sapagkat ang mga bagay na ito ay kailangang maganap, ngunit hindi pa ang wakas.+
7 “Sapagkat ang bansa ay titindig laban sa bansa+ at ang kaharian laban sa kaharian,+ at magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain+ at mga lindol+ sa iba’t ibang dako.
8 Ang lahat ng mga bagay na ito ay pasimula ng mga hapdi ng kabagabagan.
9 “Kung magkagayon ay ibibigay kayo ng mga tao sa kapighatian+ at papatayin+ kayo, at kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot+ ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.+
10 Kung magkagayon, marami rin ang matitisod+ at magkakanulo sa isa’t isa at mapopoot sa isa’t isa.+
11 At maraming bulaang propeta+ ang babangon at magliligaw ng marami;+
12 at dahil sa paglago ng katampalasanan+ ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.+
13 Ngunit siya na nakapagbata+ hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.+
14 At ang mabuting balitang+ ito ng kaharian+ ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa;+ at kung magkagayon ay darating ang wakas.+
15 “Kaya nga, kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na bagay+ na sanhi ng pagkatiwangwang, na tinukoy sa pamamagitan ni Daniel na propeta, na nakatayo sa isang dakong banal,+ (gumamit ng kaunawaan ang mambabasa,)
16 kung magkagayon yaong mga nasa Judea ay magsimula nang tumakas+ patungo sa mga bundok.
17 Ang tao na nasa bubungan ng bahay ay huwag bumaba upang kunin ang mga pag-aari mula sa kaniyang bahay;
18 at ang tao na nasa bukid ay huwag bumalik sa bahay upang kunin ang kaniyang panlabas na kasuutan.
19 Sa aba ng mga babaing nagdadalang-tao at niyaong mga nagpapasuso ng sanggol sa mga araw na iyon!+
20 Patuloy na manalangin na ang pagtakas ninyo ay huwag mangyari sa panahon ng taglamig, ni sa araw ng sabbath;
21 sapagkat kung magkagayon ay magkakaroon ng malaking kapighatian+ gaya ng hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng sanlibutan hanggang sa ngayon,+ hindi, ni mangyayari pang muli.
22 Sa katunayan, malibang paikliin ang mga araw na iyon, walang laman ang maliligtas; ngunit dahil sa mga pinili+ ay paiikliin ang mga araw na iyon.+
23 “Kung magkagayon kung ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Narito! Naririto ang Kristo,’+ o, ‘Naroroon!’ huwag ninyo itong paniwalaan.+
24 Sapagkat ang mga bulaang Kristo+ at ang mga bulaang propeta+ ay babangon at magbibigay ng mga dakilang tanda+ at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga pinili.+
25 Narito! Patiuna ko na kayong binabalaan.+
26 Kaya nga, kung ang mga tao ay magsabi sa inyo, ‘Narito! Siya ay nasa ilang,’ huwag kayong lumabas; ‘Narito! Siya ay nasa pinakaloob na mga silid,’ huwag ninyo itong paniwalaan.+
27 Sapagkat kung paanong ang kidlat+ ay lumalabas mula sa mga silanganing bahagi at nagliliwanag hanggang sa mga kanluraning bahagi, magiging gayon ang pagkanaririto ng Anak ng tao.+
28 Kung saan naroon ang bangkay, doon matitipon ang mga agila.+
29 “Kaagad pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon ang araw ay magdidilim,+ at ang buwan+ ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig.+
30 At kung magkagayon ang tanda ng Anak ng tao+ ay lilitaw sa langit, at kung magkagayon ay dadagukan ng lahat ng mga tribo sa lupa ang kanilang sarili sa pananaghoy,+ at makikita nila ang Anak ng tao na dumarating na nasa mga ulap sa langit taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.+
31 At isusugo niya ang kaniyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta,+ at titipunin nila ang kaniyang mga pinili+ mula sa apat na hangin,+ mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabilang dulo nito.
32 “Ngayon ay matuto kayo ng puntong ito mula sa puno ng igos bilang ilustrasyon: Sa sandaling ang mga bagong sanga nito ay tumutubong murà at nagsisibol ito ng mga dahon, alam ninyo na malapit na ang tag-araw.+
33 Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, alamin ninyo na siya ay malapit na at nasa mga pintuan na.+
34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang salinlahing+ ito ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.
35 Ang langit at lupa ay lilipas,+ ngunit ang aking mga salita ay hindi sa anumang paraan lilipas.+
36 “May kinalaman sa araw at oras+ na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.+
37 Sapagkat kung paano ang mga araw ni Noe,+ magiging gayon ang pagkanaririto ng Anak ng tao.+
38 Sapagkat gaya nila noong mga araw na iyon bago ang baha, na kumakain at umiinom, ang mga lalaki ay nag-aasawa at ang mga babae ay ibinibigay sa pag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe+ sa arka;+
39 at hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat,+ magiging gayon ang pagkanaririto ng Anak ng tao.
40 Kung magkagayon dalawang lalaki ang mapapasabukid: ang isa ay kukunin at ang isa naman ay iiwan;
41 dalawang babae ang maggigiling sa gilingang pangkamay:+ ang isa ay kukunin at ang isa naman ay iiwan.+
42 Patuloy kayong magbantay, kung gayon, dahil hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon.+
43 “Ngunit alamin ninyo ang bagay na ito, na kung nalaman lamang ng may-bahay kung sa anong pagbabantay darating ang magnanakaw,+ nanatili sana siyang gising at hindi pumayag na malooban ang kaniyang bahay.
44 Dahil dito ay maging handa rin kayo,+ sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.
45 “Sino talaga ang tapat at maingat na alipin+ na inatasan ng kaniyang panginoon sa kaniyang mga lingkod ng sambahayan, upang magbigay sa kanila ng kanilang pagkain sa tamang panahon?+
46 Maligaya+ ang aliping iyon kung sa pagdating ng kaniyang panginoon ay masumpungan siyang gayon ang ginagawa!
47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Aatasan niya siya sa lahat ng kaniyang mga pag-aari.+
48 “Ngunit kung sakaling ang masamang aliping iyon ay magsabi sa kaniyang puso,+ ‘Ang aking panginoon ay nagluluwat,’+
49 at magsimulang mambugbog ng kaniyang mga kapuwa alipin at kumain at uminom na kasama ng mga kilaláng lasenggo,
50 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras+ na hindi niya nalalaman,
51 at parurusahan siya nang napakatindi+ at itatakda sa kaniya ang kaniyang bahagi na kasama ng mga mapagpaimbabaw. Doon mangyayari ang kaniyang pagtangis at ang pagngangalit ng kaniyang mga ngipin.+