Isaias 42:1-25

42  Narito! Ang aking lingkod,+ na inaalalayan kong mabuti!+ Ang aking pinili,+ na sinang-ayunan ng aking kaluluwa!+ Inilagay ko sa kaniya ang aking espiritu.+ Katarungan sa mga bansa ang itatanghal niya.+  Hindi siya sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig, at sa lansangan ay hindi niya iparirinig ang kaniyang tinig.+  Ang lamog na tambo ay hindi niya babaliin;+ at kung tungkol sa malamlam na linong mitsa, hindi niya iyon papatayin. Sa katapatan ay itatanghal niya ang katarungan.+  Hindi siya manlalamlam ni masisiil man hanggang sa maitatag niya sa lupa ang katarungan;+ at ang kaniyang kautusan ay patuloy na hihintayin ng mga pulo.+  Ito ang sinabi ng tunay na Diyos, si Jehova, ang Maylalang ng langit+ at ang Dakila na nag-uunat niyaon;+ ang Isa na naglalatag ng lupa+ at ng bunga nito,+ ang Isa na nagbibigay ng hininga+ sa mga taong naroroon,+ at ng espiritu sa mga lumalakad doon:+  “Ako mismo, si Jehova, ang tumawag sa iyo sa katuwiran,+ at tinanganan ko ang iyong kamay.+ At iingatan kita at ibibigay kita bilang isang tipan ng bayan,+ bilang liwanag ng mga bansa,+  upang iyong idilat ang mga matang bulag,+ ilabas mula sa bartolina ang bilanggo,+ mula sa bahay-kulungan yaong mga nakaupo sa kadiliman.+  “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko;+ at sa kaninuman ay hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian,+ ni ang aking kapurihan+ man sa mga nililok na imahen.+  “Ang mga unang bagay—narito na ang mga iyon,+ ngunit ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko. Bago magsimulang lumitaw ang mga iyon ay ipinaririnig ko na sa inyo.”+ 10  Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+ ng kaniyang kapurihan mula sa dulo ng lupa,+ kayong mga bumababa sa dagat+ at sa lahat ng naroroon, kayong mga pulo at kayong mga tumatahan sa mga iyon.+ 11  Ilakas ng ilang+ at ng mga lunsod nito ang kanilang tinig, ng mga pamayanan na tinatahanan ng Kedar.+ Humiyaw sa kagalakan ang mga tumatahan sa malaking bato.+ Mula sa taluktok ng mga bundok ay sumigaw nang malakas ang mga tao. 12  Mag-ukol sila ng kaluwalhatian kay Jehova,+ at sa mga pulo ay ihayag nila ang kaniyang kapurihan.+ 13  Si Jehova ay lalabas na gaya ng isang makapangyarihang lalaki.+ Pupukaw siya ng sigasig na gaya ng isang mandirigma.+ Sisigaw siya, oo, isisigaw niya ang isang hiyaw ng digmaan;+ ipakikita niyang mas malakas siya kaysa sa kaniyang mga kaaway.+ 14  “Nanahimik ako nang mahabang panahon.+ Nanatili akong walang imik.+ Patuloy akong nagpigil ng aking sarili.+ Tulad ng babaing nanganganak, ako ay daraing, hihingal, at sisinghap nang magkakasabay.+ 15  Ako ay magwawasak+ ng mga bundok at mga burol, at ang lahat ng kanilang pananim ay tutuyuin ko. At ang mga ilog ay gagawin kong mga pulo, at ang mga matambong lawa ay tutuyuin ko.+ 16  At ang mga bulag ay palalakarin ko sa daan na hindi pa nila alam;+ sa landas na hindi pa nila alam ay pararaanin ko sila.+ Gagawin kong liwanag ang madilim na dako sa harap nila,+ at patag na lupain ang baku-bakong kalupaan.+ Ito ang mga bagay na gagawin ko para sa kanila, at hindi ko sila iiwan.”+ 17  Pababalikin sila, lubha silang mapapahiya, yaong mga naglalagak ng tiwala sa inukit na imahen,+ yaong mga nagsasabi sa binubong imahen: “Kayo ang aming mga diyos.”+ 18  Makinig kayong mga bingi; at tumingin kayong mga bulag upang makakita.+ 19  Sino ang bulag, kung hindi ang aking lingkod, at sino ang bingi na gaya ng aking mensahero na isinusugo ko? Sino ang bulag na gaya niyaong ginantihan, o bulag na gaya ng lingkod ni Jehova?+ 20  May kinalaman iyon sa pagkakita ng maraming bagay, ngunit hindi ka patuloy na nagmasid.+ May kinalaman iyon sa pagbubukas ng pandinig, ngunit hindi ka patuloy na nakinig.+ 21  Si Jehova ay nalugod dahil sa kaniyang katuwiran+ anupat dadakilain niya ang kautusan+ at iyon ay gagawin niyang maringal. 22  Ngunit iyon ay isang bayan na dinambong at sinamsaman,+ anupat silang lahat ay nakulong sa mga butas, at sa mga bahay-kulungan ay itinago sila.+ Sila ay naukol sa pandarambong na walang tagapagligtas,+ sa pananamsam na walang sinumang magsasabi: “Ibalik mo!” 23  Sino sa inyo ang makikinig dito? Sino ang magbibigay-pansin at dirinig para sa mga panahong darating?+ 24  Sino ang nagbigay sa Jacob bilang samsam, at sa Israel ukol sa mga mandarambong? Hindi ba si Jehova, ang Isa na pinagkasalahan natin, at ang kaniyang mga daan ay hindi nila ninais na lakaran at ang kaniyang kautusan ay hindi nila pinakinggan?+ 25  Kaya Siya ay patuloy na nagbuhos sa kaniya ng pagngangalit, ng kaniyang galit, at ng lakas ng digmaan.+ At patuloy siyang nilamon nito sa buong palibot,+ ngunit hindi siya nagbigay-pansin;+ at patuloy itong lumagablab laban sa kaniya, ngunit wala siyang isinasapusong anuman.+

Talababa